Home > Kokura Information
International Cooperation Corner
Ang information center na ito ay itinatag upang magkaroon ng kuhanan ng impormasyon sa Kokura.Maaari rin kayong pumunta dito para sa iba’t ibang konsultasyon at makakakuha ng mga nais na brochuresna pang internasyonal, nag papahiram din kami ng mga libro at maari ding makapag-aral ng wikang banyaga.
Para sa mga residenteng dayuhan na nakatira sa Kitakyushu, kami ay nagbibigay ng iba't-ibang impormasyon. Maaari ring makakuha ng mga brochures at kumunsulta dito.
Time:10:00〜16:00
Wika:Miyerkules---Korean, Ingles
Biyernes-----Chinese, Korean, Ingles
Telepono: 093-551-0055
Konsultahan ng mga Resisidenteng Dayuhan sa KIA Yahata
Time: 10:00~16:00
Wika: Martes----Chinese, Ingles
Huwebes---Chinese, Korean, Ingles
Telepono: 093-671-2606
E-mail: helpdesk@kitaq-koryu.jp
Sa mga gustong magturo at matuto ng salitang banyaga/Hapon, gumawa ng iba't-ibang kaibigan, magbenta o bumili ng mga gamit na mga bagay. Maaari ditong magsulat at tumingin ng mga mensahe.
Mayroon sopa at mga lamesa dito upang makapag relaks na makabasa ng mga diyaryo, makipag-usap sa mga ibang bisita. Maaring gamitin ang malawak na basyo sa inyong free time.(hindi maaaring kumain at uminon dito).
Sa mga nais mag-aral ng iba't-ibang wikang banyaga, tingnan ang iskedyul sa buwang ito. At para sa mga residenteng dayuhan na nais mag-aral ng salitang hapon, tingnan dito para sa ibang detalye.
Ang mga librong gabay sa paglalakbay, at mga may kaugnayan sa pang internasyonal na libro,libro ng wikang banyaga, magasin ay maaaring makahiram dito. Maaari itong isauli sa Yahata.
At ang hiniram na libro sa Yahata ay maaari ding isauli dito sa Kokura Information. May Japanese at Ingles na diyaryo dito na maaaring basahin.
Makakakuha dito ng ng mga brosyur na inilathala ng Ministry of Foreign Affairs ayon sa International Affairs at Foreign Affairs.
May mga ipinamamahagi (ang iba ay maaaring basahin lamang) na impormasyon ukol sa International Cooperation ng ODA(Official Development Assistance), NGO at International Organization.
Maaaring kumunsulta (kailangan ng reserbasyon) ayon sa JICA volunteer sa ibang bansa na nakaranas ng mga opisyal ng mga pandaigdigang kooperasyon, pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng mga gawaing boluntaryo sa pagbubuo bansa.
Lugar: AIM Building (Asia-pacipic Import Mart) 2nd Flr.
3-8-1 Asano, Kokurakita ward, Kitakyushu City
TEL: 093-551-0055 FAX: 093-551-1289
Oras ng pagbubukas: 10:00-17:30
Araw ng Sarado: Tuwing Linggo, Lunes, National Holidays at ika 29 ng Disyembre hanggang ika 3 ng Enero
Tingnan ang mapa sa ibaba...