Map
Zaidan Houjin Kita Kyushu International Exchange Association
Kita Kyushu City Yahata Higashi ku Hirano 1-1-1
TEL093-662-0055
FAX093-662-6622

Pakiusap po sa lahat

Para lalo pa naming mapag buti ang Website na ito,kami po ay bukas sa pagtanggap  ng inyong mga opinyon.Simula sa mga residenteng Dayuhan , hanggang sa lahat ng mga mamamayan dito sa Kita Kyuushu,kami po na mga staff ng K.I.A ay magsisikap na makapag parating pa ng mga Impormasyong mapag kakatiwalaan.Kaya’t kami po ay maghihintay para sa kahit anong nais ninyong iparating.Kami po ay tumatanggap ng mga katanungan sa Contact Us

Home > Mga Serbisyong handog ng KIA para sa mga residenteng dayuhan

Mga Serbisyong handog ng KIA para sa mga residenteng dayuhan

  LIBRENG KONSULTASYON 

          ● Pangkalahatang Konsultasyon--Konsultahan ng mga residenteng dayuhan 
          ● Konsultahan ng mga Espesyalista--Libreng Konsultasyon para sa mga residenteng dayuhan
                 Konsultahan ayon sa pandadayuhan
                 Konsultahan ng mga alalahanin
                 Konsultahan ayon sa batas
          ●Dispatching Interpreters

FOREIGN STUDENTS ASSISTANCE

          ●Pondong pang suporta para sa mga dayuhang mag-aaral
          ●Dayuhang mag-aaral at NikoNiko Family
          ●Scholarship ng Sekihara Dalian City para sa mga dayuhang mag-aaral
          ●Japanese Speech Contest para sa mga dayuhang mag-aaral
          ●Pagbibigay ng mga second hand na bisikleta
          ●Diskwento sa tiket ng sinehan

IBA PANG SERBISYO

          Maternal and Child Health Handbook (Boshi Kenko Techo)

          Tagalog.pdf

Libreng Konsultasyon

Dito sa Kitakyushu International Association, ay mayroong iba't-ibang konsultahan para sa   mga residenteng dayuhan tulad ng nakasulat sa ibaba. 
     Ang konsultasyon ay walang bayad, huwag mag-alinlangang kumunsulta.
        Itatago namin ang inyong sikreto.

[Iskedyul ng Libreng konsultasyon]
(
Ang iskedyul sa kalendaryo ay maaaring mag-iba.)

 Pangkalahatang Konsultasyon
Konsultahan ng mga residenteng dayuhan

Sa lahat ng mga residenteng dayuhan na may alinlangan at problema sa pang araw-araw na pamumuhay, gagawa kami ng paraan upang maresolbahan ito sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa iba't-ibang organisasyon.Ang mga konsultista ang sasagot sa inyo. Ang mga konsultista ay mga traynado bawat isa, at marunong magsalita sa bawat bansa ng kawikaan.

                     WIKA: Ingles, Chinese, Korean, Japanese
                     ORAS: 10:00-16:00
                                Martes--------Chinese, Ingles  (YAHATA)
                                  Miyerkules---Korean, Ingles  (KOKURA)
                                  Huwebes-----Chinese, Korean, Ingles (YAHATA)
                                  Biyernes------Chinese, Korean, Ingles (KOKURA)

                     Hindi kailangan ng reserbasyon
                     TELEPONO: 093-671-2606 
                     E-mail:
helpdesk@kitaq-koryu.jp
                     ADDRESS: (YAHATA) 1-1-1 Hirano, Yahatahigashi-ku, Kitakyushu
                                       (KOKURA) AIM 2F, 3-8-1 Asano, Kokurakita-ku, Kitakyushu

 Konsultahan ng mga Espesyalista
Libreng Konsultasyon para sa mga residenteng dayuhan

Nagbibigay po ang KIA ng Libreng Serbisyon sa Counseling at mga usapin tungkol sa batas at iba pang mga bagay 1 beses sa 1 buwan. May mga paksa pong nangangailangan ngreservation kaya makakabuti na inyo pong tingnan ang Kalendaryo ng Consultation Meeting para sa kaukulang schedule.Maari po kayong magpa-reserve sa pamamagitan ng e-mail o di kaya’y telepono at sa pamamagitan ng [Contact Us]page.

 

         KONSULTAHAN AYON SA PANDADAYUHAN

Isang Administrative procedure specialist(=Gyoseisoshi)ang magsasagawa ng konsultasyon para sa mga taong nais na magpalit ng Status ng kanilang pagiging residente,Pagre-renew ng kanilang period of stay o pamamaraan ng Re-entry,Naturalisasyon,Alien Registration,International marriage,nasyonalidad at iba pang mga pamamaraan.Kailangan po ng paunang request kung kakailanganin ang interpreter.Ang inyo pong ikokonsulta ay mananatiling confidential. 
             Tuwing ikatlong Linggo ng bawat buwan  
             ala 1 hanggang alas 4 ng hapon   wala pong limitasyon sa dami ng tao 
             Hindi na po kailangang magpa reserve kung hindi naman kakailanganin ang interpreter.

             KONSULTAHAN NG MGA ALALAHANIN

Isang Clinical psychologist ang magsasagawa ng konsultasyon tungkol sa  mga usaping tulad ng International Marriage, mga taong nahihirapan sa pakikipag relasyon sa mga tao,at stress. 
             Tuwing ika-4 na sabado ng bawat buwan  
             alas 9:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali  
             Kakailanganin po ng Reservation .Tatlong (3)tao lamang po ang maaring tanggapin

             KONSULTAHAN AYON SA BATAS

Isang Abogado mula sa Kita Kyushu branch ng Fukuoka Bar Association ay nagbibigay po ng mga payo tungkol sa mga usaping katulad ng Karapatan sa Trabaho,Tahanan,sa pagitan ng Mag asawa,Pag hihiwalay,Naturalisasyon at iba pang mga usaping sibil.
             Tuwing ika-4 na sabado ng bawat buwan  
             ala 1:30 hanggang  4:40 ng hapon
             Kakailanganin po ng Reservation .Tatlong (3)tao lamang po ang maaring tanggapin

               Sa pagtatanong at reserbasyon

                 ●Ipadala ang inyong mga katanungan sa Contact Us.(o di kaya’y tumawag sa Kitakyushu International Association, Tel. bilang 093-662-0055)
                ●Ang nais na magtanong sa sariling wika ay maaaring kumontak sa 093-671-2606

          Dispatching Interpreters

Sa mga hindi pa masyadong marunong magsalita ng hapon, kami ay nagdi-dispatsa ng interpreter na maaaring sumama sa mga paaralan at munisipyo sa loob ng Kitakyushu.
Tingnan ang ibang detalye
dito

         FOREIGN STUDENTS ASSISTANCE

Sa Kitakyushu, maraming dayuhang mag-aaral na nanggagaling lalo na sa Asya. Ang Kitakyushu International Association ay may iba't-ibang proyektong gumagabay para sa mga dayuhang mag-aaral.

           Pondong pang suporta para sa mga dayuhang mag-aaral

Upang maging kapaki pakinabang ang pamumuhay ng mga dayuhang mag-aaral sa Kitakyushu, ay nag-apela ng suporta

           Dayuhang mag-aaral at NikoNiko Family

Naisip na ba ninyo na may mga estudyanteng nagsasabi na,”Hindi ako masanay sa pamumuhay dito”,”Hindi ako matuto ng salita”di kaya’y”Mas gusto ko pang matuto tungkol sa kultura at pamumuhay sa Japan. Sa loob ng isang taon,ang gawaing [Home Visit Program] ang siyang sumasagot sa ganitong mga alalahanin o atensyon ng bawat sestudyante.Kami po ay naghihintay ng isang「Tatay」at「Nanay」na maaaring sumali sa programang ito para sa
mga estudyanteng nangangailangan ng pansamantalang mga Magulang sa Japan.

· Paano Sumali

Kausapin po ang tanggapan ng Unibersidad na nakatalaga sa estudyante.Pagkatapos nito ay magbibigay sila ng
「 Recommendation Letter」·    na kanilang isa-submit sa Kita Kyushu International Exchange Association.

·Kasagutan sa Request

Ang KIA ay gagawa ng isang kombinasyon sa ibaba ng [recommendation letter ] at sa [application form] ng pamilya na sasali sa programa.Ang detalye ay ipaparating  sa bawat isa sa pamamgitan ng Unibersidad. Pagkatapos na mapag tibay ang kombinasyong itinakda,ay magkikita ng personal ang 2 panig. Sila ay mag-uusap para sa schedule ng Home Visit.Kung wala naman silang panahon upang magkita ng personal,maaari rin silang mag-usap sa Telepono.

       

 

Exchange Student Scholarship  ng Sekihara Kitakyushu Dalian

 4 na mga estudyanteng mapipili kada Taon,na mula sa Dalian city sa China na nag-aaral sa Kita Kyushu City(Sister Cities)sa pamamagitan ng kanilang personal na gastos ay makakatanggap ng panandaliang tulong pinansiyal (20,000 yen kada buwan).

        Japanese Speech Contest  para sa mga Exchange Students

Mayroon pong ginaganap na Speech Contest,1 beses sa 1 taon tuwing Disyembre.Ito po ay idinadaos upang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na ipahayag ang  resulta ng kanilang pag-aaral ng wikang Nihongo.

       Pagbibigay ng mga Second Hand na Bisikleta

Sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa Unibersidad. ,ibinibigay po ang mga ito para sa mga estudyanteng nangangailangan ng bisikleta,

      Diskwento sa Tiket ng Sinehan

Ipakita lamang ang Student ID at Alien card ay makakatanggap ang mga estudyante ng diskwento sa tiket .Ang Regular na 1,800 yen ay magiging 1,000 na lamang.