Map
Zaidan Houjin Kita Kyushu International Exchange Association
Kita Kyushu City Yahata Higashi ku Hirano 1-1-1
TEL093-662-0055
FAX093-662-6622

Pakiusap po sa lahat

Para lalo pa naming mapag buti ang Website na ito,kami po ay bukas sa pagtanggap  ng inyong mga opinyon.Simula sa mga residenteng Dayuhan , hanggang sa lahat ng mga mamamayan dito sa Kita Kyuushu,kami po na mga staff ng K.I.A ay magsisikap na makapag parating pa ng mga Impormasyong mapag kakatiwalaan.Kaya’t kami po ay maghihintay para sa kahit anong nais ninyong iparating.Kami po ay tumatanggap ng mga katanungan sa Contact Us

Home > Kitakyushu International Exchange Association &The International Village Center

Kitakyushu International Exchange Association &The International Village Center

KIA

 

KIA

Kita Kyushu International Association- Mission Statement

Ang Misyon ng KIA para sa ika-21 siglo

Dito sa ika-21 na siglo,ang naghihiwalay sa bawat bansa na tinatawag na「Hangganan」na siyang nagiging bakod,ay Sinasabing unti unting bababa.Karagdagan rito,mga Tao,Bagay at Impormasyong tatawid mula sa mga
Hangganang ito ay lalo pang madaragdagan,at sinasabing lalo pang bibilis ang pagbabalik balik nito.
Sa kabilang bahagi naman,dahil sa pagsulong ng ganitong pagkakaisa ng
Mundo,mangyayari na ang siglong
Ito ay ang siyang makakapagpakilala ng kahalagahan ng kasaysayan at Kultura na pag-aari ng bawat
indibidwal,mamamayan at bansa.Matututo silang pahalagahan ang kasaysayan ng lipunan na kanilang pinagmulan at maging ang kanilang kaugalian at iba pa.Ang mga taong ganito na matututong ipagmamalaki ang mga bagay na ito ay matutututo rin na maunawaan at respetuhin ang iba’t ibang kasaysayan at kaugalian ng ibang tao habang sila’y nabubuhay.Kagaya nito ay ang iniisip naming dapat na maging anyo ng lipunan at ng mga tao na kayang mabuhay ng sama sama sa ika-21 siglo.

Ang Limang haligi upang matupad ang aming Saligan at Misyon

01.jpg


<Pag himok upang maunawaan ang iba’t ibang Kultura>
Upang mapalawak ang  interes ng bawat mamamayan sa pakikipag palitan ng kultura,Kami po ay nagsasagawa ng pag suporta sa mga Gawain ng Rehiyon at mga pagpapatupad ng mga Gawain upang maisulong ang pagpapaunawa ng iba’t ibang kultura.

<Paglilinang ng Taong Kosmopolitan>
Amin pong Lilinangin ang bawa’t isa upang makatulong sa mga gawaing lipunan na pang internasyonal,para sila ay maging mga mamamayan na marunong umalalay sa pagpapalaki ng komunidad ng iba’t ibang kultura.Ito po ay aming gagawin ayon sa iba’t ibang pangangailangan at antas ng paghubog..

<Pag himok sa pagsasama sama ng bawa’t mamamayan>
Ang esensya ng mga gawain ng International Exchange ay ang bawa’t mamamayan, kasama sa pagtulong sa mga gawaing ito ay hinihimok rin namin na magkaroon ng bagong partisipasyon ang mga mamamayan sa pagpaplano.Sa pamamagitan nito ay mamimithi natin ang pagpapalaki  sa anyo ng maraming kultura na samasamang nabubuhay sa ating komunidad.

<Suporta para sa mga residenteng Dayuhan>
Kami po ay tutulong upang makapamuhay ng Masaya,ligtas at tahimik ang mga residenteng dayuhan  sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa mga iba’t ibang samahan kasabay ang gawaing pag aayos ng kapaligiran.

<Pagpapalaki ng Information System>
Kami po ay tutugon sa oras ng pangangailangan ng mga mamamayanbsa pamamagitan ng pag kuha ng mga impormasyong  pandaigdig.Magbibigay rin po kami ng mga impormasyon sa pamumuhay para sa mga Turista at mga residenteng dayuhan.Bukod dito,pag uugnayin naming ang bawa’t isang indibidwal sa mga naka ugnay na samahan sa pamamagitan ng Information Center na ito.

Introduction

Ang Layunin ng Pagtatatag

Ang Kita Kyushu international association foundation ay itinatag sa bahaging Hilaga ng Kyushu City katulong ang mga karatig pook upang makapag bigay ng kontribusyon sa Pandaigdig na katahimikan sa pamamagitan ng pakikipag palitan ng kultura ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng kasaysayan,kultura at iba pang katangian ng rehiyong ito na nagpapalalim sa pagkakakunawaan at pagkakaibigan.

Ang simula at ang pagsulong

1990
(Heisei-year2)
July
Pagkakatatag ng Kita Kyushu International Exchange Association Foundation(binigyan ng pahintulot ng Gobernador ng Fukuoka Prefecture)
 
August
Nag simula ng Gawain sa ika-7 palapag ng Kita Kyushu City Hall central office.
 
October
Kasabay sa pagububukas ng Kita Kyushu International Assembly center,ang KIA ay lumipat sa ika-6 na palapag ng gusaling ito.
1991
(Heisei-year3)
July Pagtatatag ng himpilan ng Dalian Economic/Cultural Exchange office sa Dalian City,China
1992
(Heisei-year3)
April
Pagtatatag ng Sekihara Kita Kyushu Dalian friendship Fund(100 million yen)mula sa mga donasyon.
1993
(Heisei-year3)
July
Kasabay sa pagbubukas ng Kita Kyushu International Village center,ay ang paglipat ng tanggapan sa ika-3 palapag,itinatag rin ang Kokura Information office sa unang palapag ng assembly hall.
  October Pagsasagawa ng ika-1 Kita Kyushu International Exchange Week
1995
(Heisei-year7)
May
Pagtatatag ng scholarship program para sa mga exchange students
 
October
Isinagawa ang pagsasalita ni Ginoong Peter Frank kasabay sa pag seremonya ng pag-gunita sa ika-5 anibersaryo ng samahan.
2000
(Heisei-year12)
October Isinagawa ang pagsasalita ni Ginoong Dave Spector kasabay sa seremonya ng pag-gunita sa ika-10 anibersaryo ng samahan.
2001
(Heisei-year13)
March
Pagpapasya sa pangmatagalang Misyon ng samahan ,ang[Pamamaraan mula ngayon tungkol sa International Exchange]
 ~Dapat maging anyo ng Kita Kyushu International Association] ~
2004
(Heisei-year16)
February Inagurasyon ng [Kita Kyushu Foreign Nationals communications society]na siyang nagbibigay ng pagkakataon para sa mga residenteng dayuhan upang makinig sa mga suhestyon at kahilingan ukol sa mga Gawain ng KIA.
2008
(Heisei-year20)
January
Inanyayahan si Ginoong Daniel Carl upang magpahayag ukol sa [ano ba ang matutununan sa lipunan ng iba’t ibang mga kultura?]bilang pagsasagawa sa Kita Kyushu Foreigner’s day activity.

Organizational Chart

01-02.gif

International Exchange Lounge

May iba’t ibang corners sa International Exchange Lounge.Maaari po ninyong gamitin ang mga ito anumang oras.
Oras na maaaring gamitin:alas 9:00 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon.ang tanggapan po ay sarado tuwing Lunes,Disyembre 29 hanggang Enero 3 bawat taon.

Library
Ang mga librong gabay sa paglalakbay, at mga may kaugnayan sa pang Internasyonal na libro, wika, libro ng wikang banyaga, magasin, diyaryo at mga librong pambata ay maaaring mabasa ng malaya. Sa paggawa ng membership card kailangan ng inyong ID(Identification Card), ang isang tao ay maaaring makahiram ng hanggang 2 libro sa loob ng 2 linggo. (Ang Associate Member ay hanggang 5 libro sa loob ng 1 buwan).

Resource Corner
Para sa mga residenteng dayuhan na nais na mag-aral ng Japanese at mga nagtuturo ng Japanese, sa korner na ito ay maraming mga magagamit na libroat materyales dito. Maaari ring kumunsulta tungkol sa pagtuturo ng Japanese at maaari ring hiramin ang mga ito.Sa mga residenteng dayuhan at mga tumutulong (supporter sa bawat lugar ) sa pag-aaral ng Japanese mayroon ding membership system ang Resource Corner. Para sa mga detalye magtanong lamamg po.     

Brochure Corner
Sa loob ng Kitakyushu na mga Internasyonal na Organisasyon at nakikipagtulungan sa proyekto ng KIA na iba pang organisasyon ng mga brochures ay nakalagay dito, ang mga nilalaman nito ay ang iba't-ibang detalye tungkol sa mga ibento,pananayam, foreign students, working holiday, at ibapa. Maaari itong mahingi ng libre.

AV corner
May 3 pares ng monitors at DVD o Video Decks para sa mga nais na monood.May iba’t-ibang klase din ng DVD at Video tapes. Maaari itong gamitin sapag-aaral ng Japanese at iba pang wika, manood ng mga pelikula at cartoons, maaari rin itong gamitin upang matutunan ang Kultura ng Japan. Hindi ito maaaring ipahiram.

Internet Corner
Mayroon  2 computer na maaaring magamit sa Internet. Maaari itong gamitin sa loob ng 30 minuto ng walang bayad. Maaaring maghanap ng mga nais na malaman dito, kaya lamang hindi ito pwedeng irehistro O isave sa mga floppy disks, CD Rom, at iba pa, hindi rin maaaring makapag print.

TV Corner
Mayroon po ditong 45 inches na TV monitor na mapapanooran ng world news.May 3 channel na maaaring mapanood sa wikang Ingles, Korean at Chinese.Maaaring  magpalit ng channel na gusting mapanood, huwag mahiyang magsabi sa mga staff.

Exchange Space
Mayroon sopa at mga lamesa dito upang makapag relaks na makabasa ng mga diyaryo, makipag-usap sa mga ibang bisita. Maaring gamitin ang malawak na basyo sa inyong free time.(hindi maaaring kumain at uminon dito).

Reception
Ang mga maaaring gawin ay paghiram ng mga libro, internet, audio/video corner, at message board. Huwag mag alinlangan magtanong.

Libreng Konsultahan ng Mga Residenteng Dayuhan (YAHATA)
[Mga Wika]
     Ingles, Chinese, Korean, Japanese 
[Time]
     10:00〜16:00
         Martes--------Chinese, Ingles                
               Huwebes--- --Chinese, Korean, Ingles   

KitaKyushu International Association-  Services

Maaari po ninyong tingnan ang page ng Mga Serbisyong handog ng KIA para sa mga residenteng dayuhan

Libreng konsultasyon para sa mga residenteng Dayuhan
Mayroon po ang KIA ng Libreng Konsultasyon ukol sa Legal Counseling(mga usapin tungkol sa batas), mga pandadayuhan(bisa at ibapa), Psychological(mga alalahanin).Ang bawat konsultasyon ay ginagawa 1 beses sa 1 buwan.

Pag-aaral ng mga Wikang Banyaga
Kahit sino po ay maaaring sumali sa programang ito.Dito po ay sama samang pinag uusapan ng mga kasali ang tungkol sa  kultura,Pagkain, Libangan,pag lalakbay at mga mamamayan ng pinanggalingang bansa ng Tagapag turo.Maari rin kayong makapag-praktis ng ibang wika.mayroon pong pagkakataon na nakakansela ang pagtitipon dahil sa hindi inaasahang dahilan ng tagapag turo.Mas makakabuti na magtanong muna sa KIA bago pumunta.

Information Desk
Ang mga staff po ng KIA ay handing sumagot sa inyong katanungan,tumatanggap din sila ng mga kahilingan ukol sa iba’t ibang mga events.Maari ring humiram ng mga aklat mula sa Library.

Information Center
Marami po ditong  mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang mga samahan na ayon sa mga Gawain ng pakikipag isa at sa mga Gawain ng International exchange.Bukod sa papgbibigay ng ang mga araw kung saan ang mga samahang ito ay may mga aktibidad o pagpapahayag ,dito ay mayroon ding mga pamphlet at impormasyon na ipinamamahagi tungkol sa  mga exchange programs.May mga printed materials na mula sa Department of Foreign Affairs na nasa International cooperation plaza corner.Maari po kayong kumuha ng mga ito.

International Exchange Career bank
Ipinakikilala po rito ang mga suporter ng pandaigdigang may pang unawa na nagpatala sa KIA,para sa mga pagpapakilala ng bawat kultura ng ng bansa.

   Ang maaring makakamit ng serbisyong ito ay ang mga pam-publikong paaralan elementarya at junior high school iba pang pam-publikong ahensya.

Halimbawa・・・
K
lase sa elementarya na nais ipakilala ang [Kultura ng China]・・・
Kurso sa Civic Center na [Luto ng Korea]ay magbubukas ng kurso・・・
→Tungkol sa kultura ng bansa, mga kanta at instrumento sa musika, sayaw na ituturo ng mga banyagang guest teacher.
→Mga hapon na may karanasang manirahan sa ibang bansa dahil sa trabaho o karanasang maglikod para sa mga Gawain ng NGO o Japan Overseas Cooperation Volunteers na kayang magpahayag tungkol sa kaniyang mga karanasan.          

   Ang proyektong ito ay katulad ng proyekto ng Fukuoka International Exchange Center.

Dispatching Interpreter 
Sa mga hindi pa masyadong marunong mag salita ng hapon, Kami ay nagdi-dispatsa ng mga interpreter para sa loob ng Kitakyushu sa mga paaralan at munisipyo, sa wikang Ingles, Chinese, Korean at iba pa.

   *Ang maaaring makagamit ng serbisyong ito ay ang mga pampublikong eskwelahan at iba pang pampublikong mga ahensya.

 

Kokura Information Desk

Ang information center na ito ay itinatag upang magkaroon ng kuhanan ng impormasyon Kokura. Ang lugar ay sa North exit ng Kokura Station na siyang nagiging International convention zone.Maaari rin kayong pumunta dito para sa iba’t ibang konsultasyon at makakakuha ng mga nais na brochures na pang internasyonal, nag papahiram din kami ng mga libro at maari ding makapag-aral ng wikang banyaga. Ang iskedyul sa buwan na ito ay makikita dito. Pag-aaral ng wikang banyaga.

At saka ang mga bolantiya sa ibang bansa na empleyado mula sa JICA ay nagtataguyod ng internasyunal na kooperasyon ng konsultasyon. (Kailangan ng reserbasyon)

Lokasyon : Kitakyushu City Kokura Kitaku Asano 3-8-1 
Asia Pacific Import Mart(AIM bldg.)2F
Telepono :093-551-0055
FAX         :093-551-1289
Oras        :9:00 am hanggang 5:30 pm
Mga araw na sarado:Linggo/Lunes,Pista Opisyal ,Disyembre 29 hanggang Enero 3

Libreng Konsultahan ng Mga Residenteng Dayuhan (KOKURA)
[Mga Wika]
     Ingles, Chinese, Korean, Japanese 
[Time]
     10:00〜16:00
         
Miyerkules---Korean, Ingles                    
               Biyernes-----Chinese, Korean, Ingles    
Makipag-ugnayan sa [Konsultahan para sa mga Residenteng Dayuhan] ang numero ay: 093-671-2606
E-mail: helpdesk@kitaq-koryu.jp