International Exchange Lounge
●Counter
Dito po ay maaari tayong magtanong o kumonsulta.Dito po kayo pupunta kung nais ninyong gumamit ng library,AV corner,Internet at Message Board.
●Library
Naririto po ang mga gamit sa pag-aaral ng Nihongo, Mga aklat na galing sa ibang bansa,Magasin at mga pahayagan ng ibang bansa.Maari pong humiram ng 2 aklat kada 1 tao ng hanggang 2 Linggo ,at Maaari namang humiram ng 5 aklat ang mga miyembro ng KIA hanggang 4 na Linggo .
●AV Corner
Mayroon pong 3 pares ng Monitors at DVD o Video Decks para sa panonood. May iba’t ibang klase din ng DVD at Video tapes,Maari itong gamitin sa pag-aaral ng Nihongo at Iba pang wika,manood ng mga Pelikula at Cartoons,Maari rin itong gamitin upang matutunan ang Kultura ng Japan.
●Internet Corner
Mayroon pong 2 Computers na pang-Internet na may mabilis na kuneksyon.Maari itong gamitin ng walang bayad sa loob ng 30 minuto.Dahil ang mga Computer na ito ay pang tingin lamang,hindi po pinapayagan ang pagse-save ng mga Data sa Floppy disks , CD at iba pa,Hindi rin pinapayagan ang pagpi-print.
●Message Board
Ito po ay ginagamit sa pagpapalitan ng Mensahe para sa mga naghahanap ng kaibigan,nais magbenta,nais bumili,nais magturo o di kaya’y nais matuto ng salitang banyaga at nais na makisalimuha sa mga residente o mga residenteng dayuhan ng lugar.
●Exchange Space
Ang lugar na ito ay inihanda para sa pakikisalamuha ng bawa’t isa.Maari ninyong basahin ang mga aklat at pahayagang inyong hiniram sa Library,maari ninyo itong gamitin sa pag-aaral ng iba’t ibang wika,makipag-usap sa mga residente,maari kayong magpahinga rito(Hindi pwede ang pagkain)Dito rin isinasagawa ang [Pag-uusap sa wikang Banyaga]gaya ng wikang Ingles,Intsik at Koreano.
●TV Corner
Mayroon po ditong 45 inches na TV Monitor,Mayroon itong 4 na Channels na nasa mga wikang Ingles,Koreano,Intsik at Tagalog.Maari pong ilipat ang channel kahit anong oras kaya’t sabihin lamang kung anong wika ang gusto ninyo.





